Nakahanda ang COVAX Facility na palitan ang nasa 3.6m COVID-19 vaccine na nag-expire na sa bansa.
Ayon sa National Vaccination Operations Center (NVOC), ipapadala ng nasabing grupo ang mga kapalit na bakuna sa ikatlong kwarter ng kasalukuyang taon.
Anila, sinabi ng COVAX walang anumang gagastusin ang Pilipinas sa gagawing pagpalit sa bakuna.
Sa ngayon, inaayos at isinasapinal na raw nila ang kasunduan para sa pagpapadala ng COVID-19 vaccines.
Pero nilinaw ng NVOC na uubusin muna ng pamahalaan ang mga bakunang maikli na lamang ang shelf life.