Ikinokonsidera ng Global Alliance COVAX facility na palitan ang mga mag-e-expire na COVID-19 vaccines ng bansa sa June 30.
Ito ang sinabi ni National Vaccination Operations Center (NVOC) chair at health undersecretary Myrna Cabotaje kung saan nakikipag-ugnayan na sila sa COVAX para sa replacement ng mga bakuna na binili ng gobyerno at ng pribadong sektor.
Nabatid na nasa dalawang milyong doses ng COVID-19 vaccines ang nakatakdang masira sa naturang buwan.