Tiwala ang Covax vaccine-sharing program na makapagbibigay sila ng 237-million doses ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine ng AstraZeneca sa 142 bansa hanggang sa Mayo.
Ito, ayon sa Covax facility, ay kasunod nang pagpapabilis nila sa global roll-out ng vaccine supplies kung saan mahahati sa dalawa ang pagdeliver ng doses na una ay Pebrero at Marso habang ang ikalawang yugto ay sa Abril at Mayo.
Naka-depende anito ang bilis ng pagbibigay ng bakuna sa mga bansa na ang ilan ay mayroong mahigpit na requirements.
Ang Covax facility ay program ng World Health Organization at Gavi Vaccine Alliance na magbibigay ng bakuna para sa mga mahihirap at middle income countries.