Makatatanggap ng 100k cash ang mga Barangay sa Manila City na mananatiling COVID-19 free mula Setyembre 1 hanggang Oktubre 31.
Batay sa listahan ng City Public Information Office, 170 sa kabuuang 896 na mga Barangay sa lungsod ang posibleng makatanggap ng pabuya.
Kabilang dito ang Barangay 306 sa Quiapo na nakapagtala pa lamang ng 1 kaso ng COVID-19 magmula nang mag-umpisa ang pandemiya.
Ito ay sa kabila ng dikit-dikit na mga tahanan at tindahan sa lugar.
Gayundin ang Barangay 471 na nakapagtala lamang ng 3 kaso ng COVID-19 kung saan lahat na mga ito ay nakarekober na.
Ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno, ang naturang programa ay bahagi ng pabibigay pagkilala sa mga opisyal ng Barangay na mahigpit na nagbabantay para sa kaligtasan ng kanilang lugar.