All systems go na ang mababang kapulungan ng Kongreso para sa media coverage ng kauna-unahang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Maria Bernadette dela Cuesta, tagapamuno ng Media Committee ng Task Force SONA, aabot sa 701 ang accredited para sa commercial media.
Habang aabot naman sa 116 ang mga accredited media mula sa House at Senate na hahatiin sa iba’t ibang assignments sa loob ng plenaryo.
Pili at iilan lamang ang pinayagan na pumuwesto sa VIP at gallery ng session hall gayundin ang stad upper sa main lobby ng Batasan gayundin sa paligid nito.
Menu
Samantala, inilabas na ng House of Representatives ang menu para sa unang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ganap na alas-5:00 di umano ang set up para sa meryenda buffet na para lamang sa 800 katao.
Kabilang sa mga ise-serve sa mga panauhin ang salted duck egg dressing on a cocktail tea bowl, mongo soup with smoked fish and alugbati, grissini bread, fresh lumpiang ubod in pouch, empanadita chicken or spicy tuna, sotong goreng, flaked chicken adobo, mushroom dried lumpiang ubod, pandesal with quesong puti , penne with taba talangka sauce at chicken skin cracklings.
By Len Aguirre | Jill Resontoc (Patrol 7) | Jaymark Dagala