Iniulat ng Department of Health (DOH) na nakapagtala kahapon ang bansa ng 3, 715 New COVID-19 infections habang bumaba naman sa 36, 146, ang aktibong kaso.
Dahil dito, pumalo na sa kabuuang 3, 852, 170 ang naitalang bagong kaso ng DOH, samantalang nabawasan naman ng 1, 079 ang aktibong kaso mula sa 37, 225 noong nakalipas na Biyernes.
kabilang sa mga rehiyon na nakapagtala ng mataas na virus cases sa nagdaang dalawang linggo ang National Capital Region na mayroong 14, 206 cases na sinundan ng CALABARZON na may naitalang 8, 641, Central Luzon – 4, 842, Western Visayas – 2, 572, at Cagayan Valley – 2, 177.
Umabot naman sa 4, 753 ang new recoveries, dahilan upang umakyat sa 3, 754, 716 ang kabuuang bilang ng mga gumaling mula sa COVID-19.
Umakyat naman sa 61, 308 ang death toll sa buong bansa makaraang madagdagan ito ng forty-seven new fatalities.