Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,234 new Covid-19 cases, habang bumaba naman sa 18,430 ang aktibong kaso.
Base sa ulat ng DOH, nabawasan ng 469 ang active cases mula sa 18,899 nitong nakalipas na Biyernes.
Pumalo naman sa kabuuang 4,039,978 ang naitalang kaso sa buong bansa.
Ayon sa Health Department, naitala ng National Capital Region ang pinakamataas na new virus cases sa nakalipas na dalawang linggo na umabot sa 4,616, na sinundan ng CALABARZON – 1,989, Central Luzon -1,028, Western Visayas – 986, at Central Visayas- 935.
Sumipa naman sa 3,956,847 ang bilang ng mga gumaling mula sa sakit, makaraang madagdagan ito ng 1,712 new recoveries.
Umakyat naman sa 64,701 ang death toll matapos na makapagtala ang DOH ng 19 na new fatalities.