Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,158 new Covid-19 infections.
Pero sa kabila nito, ayon sa DOH, patuloy ang pagbaba ng active cases sa bansa na pumalo na lamang sa 18,387 mula sa 18,632 nitong nakalipas na Biyernes.
Umakyat naman sa 4,047,878 ang kabuuang bilang ng new infections.
Base sa datos ng DOH, nakuha ng National Capital Region ang pinakamataas na bilang ng Covid-19 cases sa nakalipas na dalawang linggo, na umabot sa 5,539, na sinundan ng CALABARZON – 2,237; Central Luzon – 1,070; Cagayan Valley – 801; at Western Visayas na mayroong 792 cases.
Sumampa naman sa kabuuang 3,964,635 ang bilang ng mga gumaling at nasa 64,856 ang mga pumanaw dahil sa virus.