Patuloy na bumababa ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP) dahil na rin sa dumaraming gumagaling sa sakit.
Batay sa datos ng PNP Health Service, nasa 117 na lamang ang COVID active cases sa hanay ng Pulisya bagaman may nadagdag na 20 bagong kaso kaya’t umabot na sa 42,142 ang total cases.
Gayunman, may 39 na bagong gumaling sa sakit kaya’t sumampa na sa 41,900 ang total recoveries habang napako naman sa 125 ang bilang ng mga nasawi.
Sa datos ng Adminsitrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF), aabot na sa 208,592 o katumbas ng 92.41% ang bilang ng mga pulis na bakunado na kontra COVID-19.
Habang nasa 14, 678 o katumbas ng 6.50% ang tumanggap na ng first dose at naghihintay na lang ng kanilang iskedyul para tanggapin ang kanilang ikalawang dose ng bakuna. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)