Kontrolado pa ang bilang ng mga pasyenteng may COVID-19 sa Lung Center of the Philippines.
Sinabi ni Dr. Randy Joseph Castillo, pinuno ng COVID Triage ng Task Force ng nasabing ospital, mababa pa ang bilang ng mga naka-admit na pasyente sa kanilang pagamutan.
Aniya, nasa 30% lamang ang occupancy rate.
Karamihan aniya sa mga naka-admit ay mga hindi bakunado o hindi pa nakakakuha ng kanilang booster shot.
Sinabi pa nito na ang mga pasyenteng nakatanggap ng dalawang booster o nakakumpleto ng bakuna ay ang mga hindi naa-admit sa mga pagamutan.