Isinailalim sa Covid-19 alert level 4 ang lalawigan ng Catanduanes dahil sa mataas na hospital bed occupancy rate sa lalawigan.
Ayon kay Catanduanes Governor Joseph Cua, nasa 82% ang hospital bed occupancy sa probinsya.
Maliban dito, mayroon ring 27 kaso ng mas nakakahawang Delta variant.
Sa ngayon, ay mayroon lamang isang Covid-19 referral hospital at dalawang maliliit na private hospital sa Catanduanes.
Sa kabila nito, nananatili naman aniyang sapat sa ngayon ang suplay ng oxygen at nakabili na rin sila ng karagdagang suplay.
Hiniling naman ni Cua sa gobyerno na dagdagan ang alokasyon ng Covid-19 vaccines sa lalawigan upang maipagpatuloy ang pagbabakuna roon at makamit ang herd immunity. —sa panulat ni Hya Ludivico