Inirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang ilang pagbabago sa alert level system kaugnay sa mga nakasanayang restrictions sa bansa.
Ayon kay Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, irerekomenda ng DOH sa Inter-Agency Task Force (IATF) na paghiwalayin na ang alert level system at restriction nito dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 cases sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon.
Maliban dito, ipinaalala ng kagawaran ang patuloy na banta ng mga maitatalang kaso ng nasabing virus sa bansa. —sa panulat ni Jenn Patrolla