Nakatakdang ilabas ngayong araw o bukas ang guidelines para sa bagong COVID-19 alert level system na magiging batayan sa ipatutupad na granular lockdown sa Metro Manila.
Ayon kay Interior Undersecretary at spokesman Jonathan Malaya, bagaman plantsado na, may ilan pang probisyon sa alert level system ang pinag-dedebatehan sa IATF.
Sa ilalim ng sistema, ang alert level 4 ang pinaka-mataas na risk classification kung saan bawal ang dine-in, personal services at mass gatherings.
Pagbabawalan din aniya ang paglabas ng bahay ng mga authorized persons outside residence kabilang ang mga essential worker.
Hindi rin papayagang lumabas maging ang mga may vaccination schedule kaya’t kailangang maghintay muna ang mga itong matapos ang quarantine period.—sa panulat ni Drew Nacino