Posibleng matanggap na ng mga health care worker ang kanilang health emergency allowance (HEA) sa Disyembre.
Umaasa si DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na maibibigay ang allowance bago mag-Disyembre a – 25 upang kahit paano ay maging maligaya ang pasko ng mga healthcare worker.
Ayon kay Vergeire, lumiham na sila sa Department of Budget and Management upang humiling ng karagdagang P27 billion para sa HEA na sasaklaw sa mga nalalabing buwan na hindi nabayaran ang HEA.
Nakikipag-ugnayan din anya ang DOH sa DBM para sa pag-release ng pondo.
Hanggang nitong Oktubre, aabot na sa P11.5 billion ang natanggap ng DOH para sa allowance ng mahigit isa punto anim na milyong health care workers simula Enero hanggang Hunyo.