Inihayag ng OCTA Research Group na bumaba sa 5.98% ang COVID-19 average Daily Attack Rate (ADAR) sa National Capital Region (NCR).
Mababatid na ang ADAR ay tumutukoy sa average number ng bagong COVID-19 cases sa isang period kada isandaang libong indibidwal.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, itinuturing na mababa ang ADAR na mas mababa sa 6 batay sa metrics.
Matatandaan na nitong Agosto a-22, ang NCR ay may ADAR na 7.32 per 100,000 individuals.
Samantala, bumaba rin sa 19% ang seven-day average ng bagong COVID-19 cases sa NCR.