Kinakailangang mapalawak muna ang hospital bed capacity para sa mga pasyenteng may COVID-19 sa Metro Manila.
Ito ang inihayag ni treatment czar at health Undersecretary Bong Vega bago mapagpasiyang ibaba sa pinakamaluwag na klasipikasyon ng community quarantine ang buong rehiyon sa susundo na buwan.
Ayon kay Vega, dapat bumaba sa 60% ang COVID-19 critical care utilization o percentage ng mga okupadong kama sa mga ospital para mga COVID-19 patients sa Metro Manila bago ito isailalim sa modified general community quarantine (MGCQ).
Sa ngayon kasi aniya ay nasa 65% ang critical care utilization sa National Capital Region (NCR).
Maliban dito, sinabi ni Vega na isa rin sa mga pinagbabatayan ang dami ng available na isolation facilities.
Ngayong Setyembre 30, mapapaso na ang idineklarang isang buwang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila na itinuturing bilang epicenter ng COVID-19 infection sa bansa.