Nakitaan ng pagtaas ang COVID-19 bed occupancy rate sa lungsod ng Maynila.
Batay sa datos ng Manila Public Information Office, nasa 7% na ang okupadong kama sa lungsod na bahagyang mas mataas kumpara sa naitalang anim na porsyento noong nakaraang Linggo sa anim na distric hospital sa lungsod.
Anila, katumbas ito3 5 kama mula sa 404 na COVID-19 beds.
Samantala, bumaba naman sa labingpitong porsyento mula sa dating 28% ang COVID-19 bed occupancy rate sa Manila COVID-19 Fields hospital.
Bagama’t nananatiling mababa ang bilang ng mga nao-ospital bunsod ng COVID-19 sa lungsod, nagpaalala pa rin ang pamahalaan ng ibayong pag-iingat mula sa nasabing sakit. – sa panulat ni Abie Aliño Angeles