Nananatili pa ring puno ang mga kamang inilaan para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) patient ng Philippine General Hospital (PGH).
Ito, ayon kay Dr. Jonas Del Rosario, tagapagsalita ng PGH, sa kabila ng pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine (MECQ).
Ani Del Rosario, nasa 90% o 234 sa kabuuang 250 COVID-19 beds sa PGH ang okupado na.
Nasa 80% naman ng mga pasyente ang naghihintay umano para matanggap o ma-admit sa PGH.