Mahigit 90% nang okupado ang COVID-19 beds ng Batangas Medical Center.
Dahil dito, sinabi ni Dr. Ramoncito Magnaye, Medical Director ng ospital ay kaya’t nagdagdag na sila ng 22 beds at target pang makapagdagdag ng 33 pang kama.
Ayon kay Magnaye, mayroon silang breathing room para makapag-admit pa rin sila ng mga pasyenteng manggagaling sa buong region 4A o Calabarzon.
Inihayag ni Magnaye na nasa anim na buwan pa ang inventory ng kanilang mga gamot at oxygen.
Gayunman, ipinabatid ni Magnaye na pataas o padami naman ang bilang ng kanilang healthcare workers na tinatamaan ng COVID-19 na nakukuha hindi naman sa mga pasyente mismo sa ospital kundi sa kanilang komunidad.