Halos 40 kama na lamang para sa COVID-19 patients sa COVID-19 field hospital sa Luneta Park ang hindi pa okupado.
Ito’y ayon sa Manila City Government kasunod ng 307 beds na okupado ng COVID 19 patients na mabilis na tumataas dahil sa delta variant ng coronavirus.
Nasa 1, 707 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila kung saan halos 70,000 ang gumaling at mahigit 1,000 na ang nasawi.