Umabot na sa 100% ang okupado na mga COVID-19 beds sa Philippine General Hospital (PGH).
Ito’y dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga COVID-19 patients na na-aadmit sa naturang ospital.
Sinabi ni PGH Spokesperson Dr. Jonas Del Rosario, mahigit 300 ng mga pasyente ang naka admit sa PGH mula sa 10 lamang nitong buwan ng Disyembre.
Aniya, isa din sa malaking hamon sa kanila ngayon ay ang pagkakasakit ng kanilang mga Health workers.
Dagdag ni Del Rosario, umakyat na sa 1K Healthcare workers ang dinapuan ng COVID-19.
Nakatulong din aniya sa kanilang pasilidad ang pagpapaigsi sa mga isolation at quarantine period sa Health workers.