Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na maaari pa ring ma-avail ng kanilang mga miyembro ang mga coronavirus disease 2019 (COVID-19) benefits at iba pang mga benepisyo.
Ginawa ng PhilHealth ang paglilinaw matapos suspendihin ang Interim Reimbursement Mechanism (IRM) bunsod ng ginagawang pagdinig ng Kamara at Senado kaugnay ng mga umano’y anomalya sa ahensya.
Maliban dito, pinabulaanan din ng Philhealth ang mga paratang ng ‘favoritism’ sa paglalabas ng IRM funds, kasabay ng pagtitiyak na makikipagtulungan ito sa mga mambabatas ukol sa naturang usapin.