Inihayag ng Department of Health (DOH) na aabot pa lamang sa 21.76% o nasa 17 million ng target population ang nabakunahan ng booster vaccine para sa COVID-19.
Ipinaliwanag ni DOH Epidemiology Bureau Chief Dr. Alethea de Guzman ang ilan sa mga dahilan kung bakit hindi nagpapabooster ang publiko.
Ayon kay de Guzman, una na rito ang pagiging overconfident ng mga nakatanngap na primary series ng bakuna at kuntento na rin sa isinasagawang preventive measures gaya ng pagsusuot ng face mask at paghuhugas ng kamay.
Ang iba naman ay takot dahil nakaranas ng side effects sa unang dalawang bakuna, nangangamba naman ang iba sa gastos kapag nakaranas ng side effects.
Habang mayroon ding mga ang pakiramdam ay hindi na kailangan ang booster shot dahil hindi ito requirement sa kanilang trabaho o sa mga paaralan.
Samantala, sinabi naman ni Health Secretary Rosario Vergeire na gumagawa na ng paraan ang DOH upang mapataas ang bilang ng mga nagpapa-booster.