Pinabulaanan ni dating Health Secretary at Incumbent Iloilo Rep. Janette Garin ang mga haka-haka na maaaring ma-overdose ang isang indibidwal kung mabibigyan ito ng booster shot laban sa COVID-19.
Aniya, mayroong mga tao na ayaw magpaturok ng booster shot dahil sa paniwala na maaari silang ma-overdose matapos na mabakunahan ng unang dalawang COVID-19 vaccine.
Iginiit ni Garin ang pangangailangan na makapagpa-booster shot ang mga kwalipikado upang muling mapataas ang panlaban ng kanilang katawan sa nakamamatay na virus.
Samantala, sa kasalukuyan ang mga indibidwal na nakatanggap na ng dalawang unang dose ng COVID-19 vaccine ay itinuturing na fully vaccinated na.