Hindi pa rin pinapayagan sa bansa ang booster shot o third shot ng kahit anomang brand ng COVID-19.
Ayon kay Dr. Nina Gloriani, head ng vaccine expert panel, totoong malaking tulong ang booster shot para mas lalong malabanan ng ating katawan ang COVID-19, ngunit ipinagbabawal pa rin ito sa Pilipinas.
Giit ni Gloriani, wala pang rekomendasyon para sa pagpapaturok ng booster shot lalo’t kulang pa rin ang suplay ng bakuna sa bansa at marami pang kabilang sa priority groups ang hindi pa nababakunahan hanggang ngayon.
Ipinaalala rin ni Gloriani sa publiko na ang lahat ng inaprubahang bakuna kontra COVID-19 ay mayroong specific provisions ng dalawang doses lamang.