Malapit nang makatanggap ng COVID-19 vaccine booster shot ang lahat ng nasa edad 12 hanggang 17 taong gulang.
Ito ang inanunsyo ni Department of Health (DOH) spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire makaraang aprubahan ng kagawaran ang pagtuturok ng booster dose sa mga immunocompromised sa nasabing age group.
Aniya, umaasa ang DOH na maipatupad ito sa mga susunod na linggo.
Samantala, nasa 100 immunocompromised minors sa naturang age bracket ang nakatanggap na ng COVID-19 booster shots.