Tinaasan pa ng Department of Health (DOH) ang “PINASLAKAS” Campaign target nito kada araw sa 400, 000 COVID-19 administered booster shots.
Ayon kay DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, na kailangan ng Pamahalaan na makamit ang 443, 892 first booster shots per day at makapagturok ng 20, 774 senior citizens kada araw para makuha ang 23.8 million target hanggang sa Oktubre a-28, ng taong kasalukuyan.
Pahayag ni Vergeire, binuo nila ang “PINASLAKAS” campaign upang makapagturok ng booster shots sa 23.8 million Filipinos sa loob ng 100 araw.
Para ma-achieve ito, Ani Vergiere, dapat na makapagturok sila ng 397, 000 individuals kada araw, ngunit ang nakuha lamang aniya sa ngayon, simula nang mag-umpisa ang kampanya ay nasa 384, 000 at 17, 000 naman para sa senior citizens.