Hindi inirerekomenda ng Vaccine Expert Panel (VEP) ang paggamit ng COVID-19 booster shots na sinasabing mas makapagbibigay ng proteksyon laban sa nakakahawang virus.
Ayon kay Dr. Rontgene Solante, wala pang rekomendasyon para sa karagdagang dose sa mga nakatanggap ng dalawang dose na bakuna, anomang brand ito.
Ani Solante, batay sa kanilang obserbasyon sa mga indibidwal na fully vaccinated na, sapat na ang bakunang kanilang natanggap para sila ay maging protektado laban sa COVID-19.
Giit pa ni Solante, hindi pa panahon ngayon para mag-rekomenda ng booster shots dahil hanggang sa ngayon ay limitado pa rin ang suplay ng bakuna sa bansa at prayoridad na mabakunahan muna ang lahat.