Tanging sa mga Special Need Population Segment lamang ibibigay ang COVID-19 booster shots.
Ayon ito kay Dr. Ninia Gloriani, Pinuno ng Vaccination Expert Panel (VEP) ng Department of Health (DOH) sa gitna na rin ng mga report nang bumababang immunity ng mga nabakunahan.
Sinabi naman ni Dr. Rontgene Solante, miyembro ng panel na kabilang sa special populations ang mga may HIV, cancer, chronic kidney disease, matatanda at mga umiinom ng immunosuppresive drugs.
Una nang nilinaw ng DOH na hindi pa inirerekomenda ng experts ang paggamit ng COVID-19 booster shots dahil sa limitadong datos hinggil dito sa kasalukuyan.
Binigyang diin ng VEP na higit na dapat pagtuunan ng pansin ang pag bakuna sa mas marami pang Pilipino kaysa pagbili ng booster doses.