Tuturukan na rin ng booster shots ang mga papaalis na OFW.
Sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. Na nagpasya ang IATF na magbigay ng booster shots sa mga OFW at seafarers na papaalis ng bansa sa loob ng apat na buwan.
Ayon kay Galvez, hiniling na ng IATF sa Food and Drug Administration (FDA) na magsagawa ng mga kinakailangang inclusions at amendments para maisama ang migrant workers bilang priority sa booster shots.
Ipinabatid pa ni Galvez na posibleng mabigyan na rin ng booster shots sa susunod na taon ang mga nalalabing A4, A5 at general population kapag naabot na ang mahigit 50% ng populasyon na naturukan na ng second dose.