Sinisimulan ng ayusin ng gobyerno ang COVID-19 booster shots para sa mga priority sector sa bansa.
Ito ay bilang paghahanda sa paparating na May 2022 National and Local Elections.
Ayon kay National Task Force Against Covid-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr., plano nilang tapusin ang nasa siyam napung porsyento indibidwal bago matapos ang buwan ng pebrero o bago ang pagsisimula ng halalan.
Aniya, prayoridad sa pagturok ng booster shot ay ang mga health workers.
Bukod pa dito, nakikipag negosasyon narin ang pamahalaan sa apat na manufacturer ng booster shots para masiguro ang kaligtasan ng bawat isa. —sa panulat ni Angelica Doctolero