Nasa 50% na ang nabawas sa mga natatanggap na tawag ng One Hospital Command o OHC kaugnay sa COVID-19.
Sumadsad na sa 150 calls kada araw sa nakalipas na ilang linggo ang natatanggap ng OHC kumpara sa 350 calls kada araw noong Setyembre.
Ayon kay OHC Medical officer Marylaine Padlan, nagsimulang mabawasan ang request sa hospital referrals para sa COVID-19 patients noong Oktubre.
Gayunman, hindi pa anya masasabing epekto ito ng pag-downgrade ng COVID-19 alert system sa Metro Manila sa level 2 mula sa level 3.
Ipinunto ni padlan na maaari lamang sabihing unti-unting nagkakaroon ng improvement sa pagharap ng bansa sa pandemya. —mula sa panulat ni Drew Nacino