Nakapagtala ng nakagugulat na bilang ng kaso ng COVID-19 ang Pilipinas.
Sa datos na inilabas ng DOH, pumalo sa 7,999 ang bagong kaso ng COVID-19, dahilan para lumobo ang kabuuang bilang nito sa 56,056.
597 naman ang naitalang nakarekober sa virus, kaya’t nasa 562,484 na ang bilang nito.
Sa kaparehong datos, umakyat din ang bilang ng mga namatay sa virus sa 12,930 matapos na maitala ang 30.