Posibleng umabot sa higit tatlo hanggang apat na milyon ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa sa pagtatapos ng taon.
Ito ang pagtataya ni Professor Jomar Rabajante ng UP pandemic response team kung pagbabatayan ang cumulative cases o ang magpapatuloy ang pagtala sa matataas na kaso ng COVID-19.
Giit nito na bagamat may mga Intensive Care Unit sa bansa ay posibleng ma-overwhelmed o mabigla ang mga pasilidad nito dahil sa pagsipa pa ng bilang ng mga dinadapuan ng virus.
Kasunod nito, binigyang diin pa ni Rabajante ang mabilis at agresibong pagbabakuna ng bansa at ungusan ang bilis ng pagkalat ng COVID-19.