Muling nakapagtala ang Pilipinas ng mahigit limang libong bagong kaso ng COVID-19 kaya’t pumalo na sa 1,332, 832 ang kabuuang bilang ng kaso ng virus sa bansa.
Ayon sa Department Of Health o DOH, nasa 5,414 ang bagong kaso na naitala kahapon habang nasa 56, 170 naman ang kabuuang bilang ng mga aktibong kaso.
Umakyat naman sa 1,253,541 ang total recoveries ng bansa matapos madagdagan ito ng 7, 637 na mga bagong gumaling sa sakit.
Gayunman, nakapagtala pa rin ang kagawaran ng 158 na mga nasawi kaya’t sumampa na sa 23, 121 ang total death toll.—ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5)