Patuloy pa rin ang pagtaas ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH) hanggang kahapon ng 4 p.m. ng hapon, Abril 13 pumapalo na sa 4,932 na ang tinamaan ng COVID-19.
Nasa halos 300 kaso ng COVID-19 ang nadagdag sa nakalipas na magdamag.
Ipinabatid ng DOH na 18 pasyente pa ang nasawi kayat umaabot na sa 315 ang death toll dahil sa COVID-19.
Samantala 45 pa ang pasyenteng gumaling kayat nasa 242 na ang total recoveries mula sa COVID-19.