Sumampa na sa mahigit 221 milyon ang kabuuang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa datos ng World Health Organization (WHO), Amerika pa rin ang nangunguna sa mga pinakamaraming kaso sa buong mundo na nasa 40 milyon.
Sinundan ito ng India na may mahigit 33 milyong kaso habang pumangatlo naman ang Brazil na may mahigit 7 milyong kaso.
Samantala, pumalo naman sa mahigit 4.5 milyon ang bilang ng mga nasasawi sa buong mundo dahil sa COVID-19.
Habang halos 200,000 naman ang naitalang gumaling sa sakit sa buong mundo dahil sa nasabing virus.