Lumobo ang bilang ng kaso ng COVID-19 at hospitalization rate sa Zamboanga peninsula.
Ayon kay Regional Director of Department Of Health Dr. Joshua Brillantes, naitala ang 46,000 kaso ng COVID-19 mula nang mag-umpisa ang pandemya.
Kasalukuyang nasa 2,927 ang aktibong kaso habang 841 ang namatay sa sakit.
Sinabi rin ni Brillantes na 74.4% ang bed occupancy rate o 799 ang okupado mula sa 1,074 na kabuuang bilang nito.
Samantala, 968, 000 doses na ang naipangasiwang bakuna ng Zamboanga sa mga residente nito kung saan 488,000 ang nakatanggap ng unang dose habang 479, 000 ang kumpleto na ng dalawang dose.—sa panulat ni Airiam Sancho