Pumalo na sa kabuuang 24,175 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas ayon sa Department of Health (DOH).
Sa 443 na karagdagang kaso ng COVID-19, 253 rito ang itinuturing na “fresh cases”, at 190 naman dito ang “late cases”.
Sa kaparehong bulletin, nasa 270 ang iniulat na nakarekober o gumaling na sa virus sa nakalipas na 24 oras.
Dahil dito, nasa kabuuang 5,165 na ang gumagaling sa COVID-19 sa bansa.
Samantala, ayon sa DOH, 9 pa ang naidagdag sa mga namatay sa virus, kaya’t nasa kabuuang 1,036 na ang related deaths sa COVID-19 sa Pilipinas.