Inihayag ng Department of Health (DOH) na hindi pa agad makikita ang epekto ng enhanced community quarantine (ECQ).
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangan pang maghintay ng dalawa hanggang tatlong linggo bago makita ang kabuuang epekto ng lockdown na ipinatutupad sa ilang mga lugar sa bansa.
Sinabi pa ni Vergeire na inaasahang tataas pa ang mga kaso ng COVID-19 sa susunod na mga araw.
Ang ECQ sa Metro Manila at ibang lugar sa bansa ay nagsimula noong Agosto 6 at matatapos sa Agosto 20.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico