Posibleng umabot sa 740,000 kaso ng COVID-19 sa pagtatapos ng Marso.
Ayon kay Prof. Guido David ng OCTA research team, hindi pa nakikitaan na aabot sa isang milyong kaso ng COVID-19 sa pagtatapos ng Abril ngunit maaaring sa isa o dalawang buwan ay magkaroon ng pagdami ng kaso sa bansa.
Ipinabatid naman ni David, na nakitaan ng pagbaba ng kaso mula nang isailalim ang Metro Manila at ibang lalawigan na nasa NCR plus bubble.
Buko dito, hindi aniya sapat ang dalawa hanggang apat na linggo upang makontrol ang pagkalat ng virus.
Samantala, sinabi rin ni David, maaaring magbago pa ito dahil sa mga bakunang dumarating sa bansa. — Sa panulat ni Rashid Locsin.