Muling nadagdagan ang bilang ng mga dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Sa pinaka huling datos ng Department of Health (DOH), umabot na sa kabuuang 27,799 ang confirmed cases ng nakamamatay na virus.
562 pa ang kasong naidagdag sa bilang ng mga kumpirmado sa covid-19, kung saan 481 dito ang “fresh cases” habang 81 naman ang “late cases.”
Habang nasa siyam na pasyente ang dagdag sa bilang ng mga nasawi kung kaya’t nasa 1,116 na ang kabuuang ngCOVID-19 death related sa bansa.
Sa kaparehong bulletin na inilabas ng DOH, nasa 270 na ang gumaling dito, kaya’t umakyat na sa kabuuang 7,090 ang bilang ng mga nakakarekober sa COVID-19.