Posibleng bumaba pa sa 1,000 ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa sa mga susunod na araw.
Nabatid na siyam na araw nang naglalaro sa mahigit 1,000 ang mga bagong COVID-19 cases.
Ayon kay OCTA Fellow Dr. Guido David, bumagal ang negative growth rate at nagplateau na ang mga kaso.
Sa National Capital Region (NCR), bumagal ang pagbaba ng mga kaso na naglalarosa 300 sa mga nakalipas na linggo.
Batay sa datos mula sa Department of Health kahapon, ang Maynila ang may pinakamaraming naitalang kaso na may 47, sinundan naman ng Quezon City na may 44, at Pasig City na may 20 mga kaso.
Wala namang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Pateros.