Posibleng mag-flatten na ang curve o mapababa na ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa sa Setyembre.
Ayon kay UP Professor Guido David, maaari itong mangyari kung maipatutupad ng maayos ang bagong pandemic protocols kabilang ang localized lockdowns at isolation measures para sa mga pasyente.
Malaking tulong anya na nanatili sa general community quarantine ang Metro Manila dahil malilimitahan ang paglabas o pagkilos ng 12 milyong papulasyon nito.
Sinabi ni Guido na malabo pang bumaba ang kasong COVID-19 hanggang Agosto dahil nasa 1.7% ang r-naught o reproduction rate para sa Metro Manila.
Ang r-naught ay tumutukoy sa bilis ng pagkalat ng virus sa isang lugar.
Pinanindigan ng UP researchers ang nauna nilang pagtaya na aabot sa 80 hanggang 85,000 ang COVID-19 cases sa pagtatapos ng July at 100,000 sa Agosto.