Umabot na sa 105 ang death toll sa Bacolod City dahil sa COVID-19, matapos makapagtala ng 10 new fatalities.
Base sa ulat ng Department of Health (DOH) Region 6, umakyat na sa 4,332 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa lungsod, habang nasa 867 naman ang patuloy paring nilalapatan ng lunas.
Sa Western Visayas, ang Bacolod City ang may pinakamataas na kaso ng virus.
Pero malaking bilang ng COVID-19 cases doon ang gumaling na kung saan aabot ito sa 3,360 recoveries.
Sa Negros Occidental, 72 cases ng local transmission ang naitala doon, dahilan para umakyat na sa 3,417 ang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa lalawigan.
Nasa 2,113 naman na mga pasyente ang nakarekober na at 1,244 ang nananatiling under treatment, habang 60 ang binawian ng buhay.
Sa lungsod naman ng Iligan, nakapagtala ito ng 13 new COVID-19 cases, kabilang na dito ang apat na frontliners at 5 month old baby.
Ayon sa data ng city health office, nasa 755 ang total confirmed cases sa lungsod at 63 dito ang patuloy na ginagamot sa ospital, habang 650 patients ang nakarekober at 42 ang pumanaw.