Bahagya pang tumaas ang karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Nakapagtala ang Department of Health kahapon ng dagdag 2,656 COVID cases habang 5,130 ang gumaling at 154 ang pumanaw.
Lumobo na sa 2,800,621 ang total cases habang sumirit sa 2,721,516 ang recoveries.
Umakyat naman sa 44,239 ang death toll habang sumadsad sa 34,866 ang active cases.
Samantala, walong laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 document repository system.—mula sa panulat ni Drew Nacino