Umabot na sa higit 490,000 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala ng Department of Health (DOH) ng karagdagang 1,524 panibagong COVID-19 cases ngayong Martes, Enero 12.
Nasa 23,532 naman ang mga aktibong kaso.
Samantala, 44 naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa sakit kaya’t umakyat na 458,172 ang total recoveries
Habang 139 naman ang karagdagang bilang ng mga nasawi sa virus kaya’t nasa 9,554 na ang death toll ng coronavirus sa bansa. — sa panulat ni John Jude Alabado
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 1,524 ngayong Martes, Enero 12.
Pumalo na sa kabuuang 491,258 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 23,532 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/5WxRAnTbso
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 12, 2021