Sumampa na sa 10,004 ang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.
Ito’y matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 320 na bagong impeksiyon nitong nakalipas na 24 oras.
Samantala, pumalo na sa 1,506 ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID-19 bunsod ng 98 new recoveries.
Ayon sa ahensya, nasa 658 na ang mga nasawi kasunod ng 21 new deaths na kanilang naitala.