Sumampa na sa mahigit 126,000 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala ng Department of Health ng karagdagang 4,226 panibagong COVID-19 cases ngayong Sabado, Agosto 8.
Dahil dito, nasa 126,885 na ang total cases, kung saan 57,559 dito ay active cases.
Pinakamarami sa mga nadagdag na kaso ay mula sa Metro Manila na may 2,669 new cases; Laguna, 285; Cavite, 154; Cebu, 125; at Rizal na may 118 na bagong kaso.
Samantala, 287 naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa sakit kaya’t sumampa na 67,117 ang total recoveries habang 41 naman ang karagdagang bilang ng mga nasawi sa virus kaya’t nasa 2,209 na ang death toll ng COVID-19 sa bansa.
Ito na ang ika-sampung araw na nakakapagtala ang DOH ng mahigit sa 3,000 panibagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas lamang na magdamag.