Sumampa na sa mahigit 27,000 ang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH), ngayong araw, ika-17 ng Hunyo, pumapalo na sa 27,238 ang confirmed cases ng nasabing virus.
Mula sa nasabing bilang, 19,126 ang aktibong kaso.
Sa nadagdag na 457 kumpirmadong kaso ng COVID-19, 342 ay fresh cases at 115 naman ang late cases.
Limang pasyente naman ang napabilang sa death toll na umakyat na sa 1,108, samantalang 268 ang gumaling sa pandemya kaya’t umaabot na sa 6,820 ang total recoveries ng nasabing virus sa Pilipinas.